Thursday, March 5, 2009


Tagay pa!

Tatlong taon...
Matagal-tagal din yun...
Sapat na para makaipon ng malaking pera, para makakuha ng sertipiko ng dalawang taong kuraso sa kolehiyo, para makalakad, makapagsalita, at makatakbo ang isang sanggol, para matapos ang isang pares ng twin tower, milyun-milyong katang ang maipanganak, matapos ang tatlong teleserye ng ABS-CBN, kalahati ng termino ni Arroyo at marami pang pwedeng mangyari sa tatlong taon. Pero sa buhay ko? Walang nangyari. Umasa lng ako ng umasa sa alam kong walang patutunguhan.
Oo!!! Mahal ko siya ng sobra sobra, higit pa sa tatay ko o sa aso namin, higit pa sa buhay ko. Pero walang nangyari, tatlong taon din yun. SAYANG!!
Mahirap talagang umasa sa alam mong walang pag-asa, pero sumubok ako at sumugal. Nag baka sakaling meron pa. Pero wala na talaga. At nang makuha ako ng tiyempo, tinapon ko na lang bigla ang tatlong taon. Biglang-bigla.
Nakalimutan ko na siya ngayon, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung papaano. Pero wala na siya sa isip ko. Maniwala ka, promise, sigurado ako, pangako, walana TAPOS na!!!
Hindi ko siya inisip.
Hindi ko sya naiisip.
Hindi ko na siya iisipin pa.
Nakalimuta ko na siya. Maniwala ka, promise, sigurado ako, pangako, walana TAPOS na!!!
"Pare,paabot ng baso...
tagay ko na...
Alak pa..."